gbfgbf Login Signup  
 
  This is an article / section of Goldentowns, a town construction, political and military simulator in wich virtual gold can be exchanged for real cash, at a fixed rate.  
 
views
18012
590 votes
Laro vs Negosyo
written by 4 years ago by ZeRRycH from Philippines
Vote
 
 
Siguro nag sign-up kayo sa larong ito para kumita ng totoong salapi. Hindi ko kayo masisisi dahil talaga namang nakaka-engganyo ang mga banner ads ng larong ito. Paalala ko lang, hindi ito easy money... Kailangan paghirapan at pagtiyagaan.
 

Kung gusto mo ng easy money, mali ka ng napasukan. Hindi ito katulad ng mga nakasanayan nating mga networking tulad ng Vmobile na maaaring kumita ng libo sa isang araw. Kailangan niyong malaman na tiyaga at pasensya lamang ang puhunan sa larong ito para umabot ka sa lebel ng easy money.

 

Sa umpisa, maaaring nakakatamad ang larong ito. Kung sanay ka sa mga larong RPG, MMORPG, at FPS tulad ng Dota, Dragon Nest, at Crossfire, siguradong tatamarin at quit agad ang gagawin mo.

 

Pero kailangan mo ring isipin na sa larong ito.... Maaari kang kumita ng totoong pera dahil maaari mong ipagpalit ang pera mo sa laro, sa pera sa totoong buhay (Euro). Hindi tulad ng ibang laro na ingame currency lang ang batayan at labag sa terms and condition ng ibang laro ang pagbebenta ng mga ingame goods sa totoong pera (pwede kang ma-ban), ang Goldentowns ay hindi ipinagbabawal ang pagbebenta ng ingame goods kapalit ng totoong pera at hindi ka mababan kahit kailan. Ito ang kakaiba at ang pinakagusto ko sa larong ito.

 

Okay. Ngayong alam mo na ang edge ng Goldentowns sa ibang laro, narito ang ilang mga inmprmasyon na kailangan mong malaman.

 

1) Ang paglalaro ng Goldentowns ay hindi nangangailangan ng maraming oras. 5mins a day lang ang kailangan mo para laruin ito, magcheck ng production at mag upgrade. So kung gamer ka talaga, may time ka pa para maglaro ng ibang games.... Ohh diba? astig..

 

2) Tatlo hanggang Limang buwan. Sa aking palagay ay tatlo hanggang limang buwan ang kailangan mong bunuin para magsimula kang kumita ng limpak limpak sa larong ito kung hindi ka mag iinvest ng kahit isang kusing. Kung gusto mo namang mapabilis ang pagkita, well, magcash ka dito! Which I doubt is gagawin mo. See, tiyaga lang talaga ang kailangan. Hindi madali diba?

 

3) Huwag mong tingnan bilang isang kabuhayan ang Goldentowns. Isipin mong laro lang ito. At bilang isang laro,, kailangan mong pagbutihin upang lumakas at yumaman. Uulitin ko, TINGNAN MO ITO BILANG ISANG LARO. Ito lamang ang tangin paraan upang maabot mo ang tagumpay. I-ENJOY mo lamang ang paglalaro para hindi ka mabored.

 

Thank you for reading this article. Cheers :) Goodluck on your journey towards excellence. Always remember.. ENJOY this game.



 
Shares e Bonds
wrote by ricfig ( Portugal ) 4 years ago
Production Upgrade Guide--For Beginners
wrote by ZeRRycH ( Philippines ) 4 years ago
Laro vs Negosyo
wrote by ZeRRycH ( Philippines ) 4 years ago
Things to do in this game!!
wrote by samuel ( Indonesia ) 4 years ago
Few ways to earn gold
wrote by Teo2000 ( Croatia ) 4 years ago
tutorial for newbie
wrote by gracesia ( Indonesia ) 4 years ago
Keep your game on balance for beginner
wrote by nextz77 ( Indonesia ) 4 years ago
Motivasi dan Alasan Bermain Golden Town.
wrote by devilbreak ( Indonesia ) 4 years ago
Why and how to play GOLDENTOWNS
wrote by Teo2000 ( Croatia ) 4 years ago
Tutorial
wrote by bibita ( Romania ) 4 years ago
 
We pay you to write. You can receive 0.1 gold for any aproved article written in english anf 0.05 gold for any article written in your native language. If you think you have something to say about goldentowns, writing an article is one of the easiest way to win extra gold. Before starting to write an article, please review our articles guide.